TAYO AY MULING SUMISIBOL! 35 Taon ng Pag-alala sa Pagputok ng Bulkang Pinatub
Ngayong araw, nagtitipon-tipon tayo sa pangunguna ng Provincial Government of Pampanga para sa paggunita ng 35th Commemoration Activity ng pagputok ng Mt. Pinatubo na ginanap sa Santungan, City of San Fernando, Pampanga.
Sino ang mag-aakala na muling haharapin natin ang ganitong pagsubok? Ang abo, lahar, at mga pagbabago na iniwan ng pagputok ng Mt. Pinatubo ay naging bahagi ng ating kasaysayan. Maraming tahanan ang nawala, maraming buhay ang nagbago, ngunit hindi nawala ang tapang at pag-asa ng mga Kapampangan.
Ngayon, pinapaalala ng ating kwento na mula sa abo ay may pagbangon. Ang Bacolor ay patuloy na bumabangon, dala ang mga aral ng nakaraan at ang pagkakaisa ng bawat isa.
Tayo ay muling sumisibol.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18jPXQyz9t/









