Training para sa mga estudyante ng Bacolor
Nagsagawa ang MDRRMO ng isang Training para sa mga estudyante ng Bacolor na temang “BULILIT FIRST AIDER” kabilang dito ang apat na schools sa unang araw ng kanilang programa na pinangungunahan ni Sir Rio Villafania Head ng MDRRMO na nagbigay ng kanyang opening remarks.
Dumalo din dito ang ating Mayor Eduardo Diman Datu para mag bigay ng kanyang inspirational message para sa mga kabataan. Nagbigay naman ng welcome remarks ang atin Municipal Administrator Mam Nenita Gonzales.
Kasama din ngayong araw ang DepEd District Supervisor na si Mam Maria Rita Alicia Alipio.
Ang training na ito ay napakahalaga para sa mga bata upang magkaroon sila ng kaalaman ng mga maari nila gawin sakali man na mag karoon ng anumang sakuna sa kanila school at sa bahay.