WALANG BOMBA SA DHVSU GRADUATION — KUMPIRMADO NG PAMPANGA POLICE
WALANG BOMBA SA DHVSU GRADUATION — KUMPIRMADO NG PAMPANGA POLICE
Nilinaw ng Pampanga Police Provincial Office na ligtas at walang natagpuang pampasabog sa gitna ng ulat ng bomb threat sa graduation ceremony ng Pampanga State University.
Ayon sa pulisya, agad na rumesponde ang Explosive Ordnance Disposal (EOD) team at K9 units upang siyasatin ang lugar. Matapos ang masusing paghahanap, walang nakitang anumang banta at agad na idineklara na ligtas ang venue.
Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang insidente upang matukoy at papanagutin ang nasa likod ng maling alarma.